DelPA nangunang muli sa Pahayagan 2013

ni Julie Anne Bella

Muling namayagpag ang Del Pilar Academy sa Ika-limang Pahayagan na isinagawa ng Central College Student Council (CCSC) at The Gateway Group of Publications na ginanap noong ika-4 ng Setyembre sa Bulwagang Doña Dominga A. Andaman.

Ang patimpalak ay dinaluhan ng labing-isang paaralan at may mga kategoryang Dagliang Talumpati, Dagliang Pagtatanghal, Isahang Pag-awit, Pagsulat ng Tula at Paggawa ng Poster. Ang iba pang nagsipagwagi sa pangkalahatang iskor ay ang The Bearer of Light and Wisdom College (Ikalawang Karangalan), General Emilio Aguinaldo National Highschool – Main (Ikatlong karangalan), Cavite National Highcshool – Special Program for the Arts (Ikaapat na karangalan) Statefields School Incorporated (Ikalimang karangalan),
St. Joseph College of Cavite Incorporated (Ikaanim na karangalan), at Divine Light Academy-Molino (Ika-anim na Karangalan).

Ang  iba pang mga kalahok na paaralan ay ang St. Aloysius Academy of Dasmariñas – Main, St. Aloysius Academy – Branch, Villa Cecilia Academy, Crest View Academy of Cavite. Ang nasabing palatuntunan ay pinangunahan nina Sharina Anne Colina at Berwin Coroza. Sina Gng. Imelda San Diego, G. Federico Castro at Gng. Emilie Dizon ang nagsilbing lupon ng inampalan.

0 comments:

Copyright © 2014 The Gateway.
Proudly Powered by Blogger.
back to top