SDCA ipinagdiwang ang Buwan ng Wika

ni Regina Antonio at Myra Sabuero

Ang nagkamit ng unang gantimpala sa patimpalak ng Pagsayaw 
ng Singkil mula sa mag-aaral ng SASE. Kuha ni Erwin Aquino
Ang pagdiriwang na ito ay pinangunahan ng Departamento ng Agham at Edukasyon. Ang doksolohiya at ang Lupang Hinirang ay inawit ng SDCA Tagintinig na sinundan ng pagpapakilala ni Prop. Imelda H. San Diego, Tagapangulo ng Buwan ng Wika, 2013, sa Panauhing Pandangal.

Isang mensahe naman ukol sa wika ang tinalakay ng panauhing pandangal na si Dr. Nilda W. Balsicas, Pangalawang Pangulong Pang-akademiko at Pananaliksik. Umawit naman ng  kundiman si Bb. Bianca M. Cancio mula sa ABMMA2A na sinundan nang pagpapakilala  sa mga hurado na ginampanan ni Prop.  Federico Castro.


Matapos nito ay dumako na sa dagliang talumpati kung saan nagwagi bilang kampeon si Adam Santos  (SASE) matapos niyang ipahayag ang kanyang saloobin tungkol sa K-12. Nagwagi rin sa ikalawang karangalan  si Mark Alger Coronan IV (SIHTM), na sinundan nina Bea Reyes (SHSP) at Domingo Emil Rico (SBCS).  

Ang mga kalahok naman sa “Pagsasayaw ng Singkil” ang nagpamalas ng kanilang galing suot ang kanilang mga makukulay na kasuotan. Ang bersyon ng mga mag-aaral ng SASE ang itinanghal na kampeon na sinundan naman ng SHSP, SIHTM at SBCS.

Ang katutubong sayaw na “Subli” mula sa mga piling guro ang nagbigay din ng sigla sa pagdiriwang. 
Sa solong pag-awit, ang mga kalahok na lalake ay umawit nang piyesang ‘Magsimula Ka” ni Leo Valdez habang ang “Lipad ng Pangarap” na bersyon ni Charice ang   inawit nang  kababaihan. Itinanghal na kampeon si Rochelle Gem (SIHTM)  at pumangalawa si Rubielyn Mae Acosta  (SASE).

Sa pagdibuho ng Poster tinanghal si Nicole Angela Viñas at Nice Magyaya (BSA) bilang mga kampeon, sumunod sina Job Albert Jocson at Jon Brian Grageda (ABMMA) sa ikalawang karangalan, Jewel Juanengo at Johana Navaro (ABCOMM), ikatlong karangalan, Maria Lourdes Lungay at Gerhard Pilla (BSIT), bilang ika-apat na karangalan,  Athena Beltran at Luverin Sampang (BSHM), bilang ikalimang karangan at sa pang-anim na karangalan sina Angela Morente at Emilyne Pagsolingan.

Sa Pagsulat ng Sanaysay na may temang “Tinig ng Kabataan sa Daang Matuwid”, si Sarah Jean C. Ricafort, (BSBA) ang itinanghal na kampeon na sinundan nina Noreen Louise Odilao (BEED), Ranel G. Reña (BSCS), Laudimer C. Hingada (ABMMA) at Julie Anne Zamuco (BSEd).

Ang mensahe ng pasasalamat mula kay Prop. Imelda San Diego at paglalahad ng mga nagwagi ni Prop Antonio H. Albuladora, Puno, Lawak ng Pampublikong Komunikasyon at mga Wika, ang naging wakas ng palatuntunan. 

0 comments:

Copyright © 2014 The Gateway.
Proudly Powered by Blogger.
back to top